IdioCrazy

Gusto kong magsulat.

Nitong mga nagdaang araw ay nahihirapan akong magsulat, hindi sa dahil wala akong maisulat kundi dahil lumalangoy ang isip ko sa lawa ng mga ideya at tuluyan nang nalunod. Isa pa, ang mga tinga sa isip ko ay parang mga holen na nagsisiksikan sa isang butas ng embudo at hindi makawala.

Ngayong mga sandaling ito ay naisipan kong magsulat, tumitig muna ako sa blankong pader at hinahayaan kong dumaloy ang mga lintik na ideya sa makitid kong isip. Ilang sandali may luntiang likido ang pumatak sa aking keyboard mula sa ulo ko, luntian hanggang naging dugo at sabi ko, “Nagsusulat na ako.”

Napakaraming bumabalot na kalokohan ngayon sa ating bansa, ang mahal mong presidente ay kumain sa mamahaling restaurant, may mga artistang nag-aaway, nagpa papogian na mga politiko, ang pagiging National Artist ni Caparas, ang kontrobersya ni Willie Revillame at ang kapit-bahay mong may putok. Sa dami ng mga problema ay parang gusto ko na lamang lumubog ang buong Pilipinas sa tubig-dagat.

Dahil sa mga yan ay hindi ko maiwasang mag-isip, patanga na ba ng patanga ang mga Pilipino?

Naalala ko nang umalarma ang buong Pilipinas pati ang mga bakteryang sa Pilipinas dahil sa panloloko ni Alec Baldwin sa mga Pilipino sa The David Letterman Show. Pumutok ang fuse ng maraming politiko kasama na ang senador na si Bong Revilla. Sinabi ni Revilla na kapag pumunta daw si Baldwin sa Pilipinas ay maghahalo ang balat sa tinalupan, may balat ka ba Revilla? (joke lang ser).

Isipin natin ha, bakit ba galit na galit kaagad tayo sa sinabi ni Baldwin? Sino ba si ALEC BALDWIN para seryosohin natin? Tandaan na binanggit din ni Baldwin ang mga taga-Russia, pero nakita ba nating nagrebolusyon ang mga militanteng Ruso? Mga tol, over-acting lang tayo.

Racial Discrimination ba kamo kaya tayo nagagalit? Isipin nga natin ang pagtawag natin sa maiitim nating kakalse na Ita, sa mga singkit na intsik. Hindi ba dapat magrebolusyon din sila? Tingnan natin si Candy Pangilinan ayun nasampolan.

Sa showbiz, patuloy nating pinapakealaman ang mga artistang nagbubuntisan o mga artistang nakikipag-away. Mga tol, tao din sila katulad mo, kumakain at tumatae din sila. Isa pa, kung maging mabait lahat ng artista paano na lamang ang showbiz?

Tumatanga na nga ba talaga tau tayo?

Ganoon na lang ba tayo kadaling lokohin ng presidente natin? Ninanakawan na tayo harap harapan. Hello? Hello Garci? Tanda mo pa ba yan? Bakit nakawala yan sa kamay ng hustisya? Kung hindi bulok ang isip ng secretary of justice at ang mga galamay niya ay matagal nang wala ang mahal nating presidente sa kanyang upuan. Swerte mo Gloria Macapagal Arroyo, hindi ka sumakay ng helicopter.

Hinga muna.

Noong March 28, malamang hindi ka nakapanood ng Maalaala mo Kaya? dahil nagpatay ka ng ilaw at appliances para sumuporta sa Earth Hour. Tayong mga Pilipino ang pinaka-aktibong sumama sa nasabing gawain. Pagkatapos ay maraming nagsulputang concert para sa kalikasan kung saan gumamit ng libo-libong lakas ng kuryente sa mga sound systems at t.v. Sumali nga tayo sa earth hour para pagktapos ay maari na tayong mag-facebook maghapon, magcharge ng iPod, manood sa plasma t.v at maglaro ng Wii. Sumali ka sa earth hour para kinabukasan ay maari mo ng gamitin ang Ford F-150 mo at magsunog ng litro-litrong gasolina. Ang usok mo, sisinghutin mo ba?

Bakit hindi lahat tayo pwedeng yumaman? Bakit may mahirap?

May mga pobreng tao dahil may mga tangang tao at may mga magnanakaw. Wala ngang nakakasakop sa atin pero sinasakop tayo ng sarili nating lider.

Papayag ka bang maging tanga? Bakit hindi tayo kumilos? Siya nga naman, kaysa mag-rally tayo sa Mendiola eh manonood na lang tayo ng Wowowee. Isa pa takot tayo na baka kung ano ang mangyari sa atin at sa pamilya natin, isipin nating dahil tayo lalaban ya para sa pamilya natin.

Tama na. Sobra na. Palitan na.

Bahala kayo.

Ang yucky ng daan

“Siyeet!” yan ang sigaw ng isang babaeng puno ng make-up ang mukha pagkatapos siyang matalsikan ng putik sa pantalon.

Normal na ang ganitong eksena noong ako ay nasa elementarya, pangit at bako-bakong daan ang kailangan naming tahakin bago makapasok sa aming paaralang pinamumugaran ng mapang-matang cashier at mga burgis na bata.

Matagal na naming problema ang lintik na daanang iyon, kung bakit ba lagi na lamang akong nakakakita ng malalaking pangalan ng konsehal subalit nananatiling mukhang bakawan pa rin ang daanan dahil sa baha at putik na sinasahugan ng mga pandak na punong naging condo unit na ng mga lamok.

Nagawan ba ng aksyon? Oo, isang walang kwentang proyekto. Pumasok ako isang araw at may sumalubong sa aking mga piyon na hubad-baro at nangingintab ang katawan dahil sa pawis na tinatamaan ng sikat ng araw, mistulang mga rebulto ng santo na dinodoneyt ng mga mapepera sa simbahan upang makipagkaibigan sa pari. Ang kalsada ay tinatabunan ng mga piyon ang mga mini-hole(at big hole) sa mala-chocolate na daan. Sako-sakong graba at panambak ang itinatabon nila doon.

Makalipas ang ilang linggo ay unt-unting humupa ang mga tambak matapos ang isang ulan na dulot ng noon ay nararamdaman ng global waming.

Masyado na akong inis noon, kung ako lamang ay nasa hustong pag-iisip lamang ay magrereklamo ako sa principal at sasabihin kong pera ang ibinbayad namin sa kanila at hindi ihi. Dahil sa patuloy na pagtanggap ng aming principal sa mga special offer ng bra at make-up mula sa AVON, hindi na napagawa ang kalsadang matagal nang pinuputok ng nasal glands ko.

Hanggang sa nakatapos ako ng elementarya ay nanatili roon ang dugyot na daan. Nagpalit na ng kung ilang libong beses ang pangalan ng paaralan ay ganoon pa rin ang katayuan. Kahit ngayong mga panahon sa tuwing ako ay napapadaan sa kalsadang malapit doon ay napapatingin pa rin ako at iniisip ko na lamang na nakakapagteleport ang admin ng school kaya hindi nila napapansin ang daan.

Paalam, Tita Cory

Kahapon, ika-lima ng Agosto, 2009, inihatid na sa huli niyang hantungan ang dating Pangulong Corazon “Cory” Aquino. Siya ang kauna-unahang babaeng pangulo ng Pilipinas. Isa siya sa naging dahilan kung bakit nakamit muli ng Pilipino ang taglay na tunay na kalayaan. Ilang araw na lamang ay ipagdiriwang na muli ang anibersaryo ng kamatayan ng kanyang kabiyak na si Ninoy Aquino. Ngayon, Masaya na silang magkasama kapiling ang May Likha.

Pero sino ba talaga si Cory sa mata ng bawat Pilipino? Si Cory para sa akin ay isang icon ng demokrasya, sa pagiging payak na may-bahay ng problemadong si Ninoy, tumayo siya sa sariling paa at pinakinggan ang iisang tinig ng mga Pinoy—Kalayaan. Hindi ko pa alam kung ano ang napanuod ko noon sa EDSA, ang alam ko lang ayaw na nila kay Marcos, mas malalim pa pala dun ang nais nilang mangyari. Hindi ko man alam o hindi man kami nakarating noon sa EDSA, pinilit ko pa rin makapunta at masulyapan ang kanyang libing kahit na kay sungit ng panahon at kay bagsik ng hangin. Kahit na doon lamang maipakita ang suporta.

Sumagi sa isip ko kung bakit ganun na lang ang paghanga at pagmamahal ng mga Pilipino sa yumaong pangulo. Namuno siya ng matapat—sabihin nating walang pinunong perpekto, subalit ginawa niyang lahat upang mapaayos ang takbo ng buhay ng mga Pilipino.

Kahapon, sa kanyang libing, natanaw ko ang libu-libong taong sumama. Tila kolonya ng mga langgam na pupunta sa bahay upang ihatid ang nakolektang pagkain. Napakaraming personalidad ang dumalo: may sikat, may mayaman, may merong putok at ang marami ang normal na Juan. Kakaiba magpakita ng suporta at pagmamahal sa pinuno ang mga Pilipino.

Tita Cory, sangkap ka sa Ginisang Alamat. Salamat sa pakikipaglaban upang makamit ang kalayaan. Salamat sa magagandang aral na inyong iniwan. Nawa’y sundan ka ng mga susunod na magiging pinuno at mga kasalukuyang namumuno sa bayan. Isang saludo para sa iyo!

Mga Takas-hirap

Mabaho na naman ang umaga ng magkakaibigang Carlo, Butuy at Allen.

Limang buwan na silang nakatira sa ilalim ng isang estero sa Pasig, ito ay matapos silang magkakilakilala sa isang feeding program na pakulo ng asawa ng isang pulitiko na tatakbo sa 2010 elections.

Ang tatlong magkakaibigan ay mga ulila na pare-parehong tumakas sa mapait na buhay. Ngayon ay magkakasama silang namumuhay sa lilim ng isang mabahong estero.

Si Butuy ang pinakamatanda sa magkakaibigan, 17- taong gulang na siya. Namatay ang kanyang ina sa panganganak sa kanya at iniwan naman siya ng tatay niya sa bahay-ampunan. Tumakas siya pag-edad niya ng 15.

Si Allen naman, 15-taong gulang. Siya ang palabiro sa tatlo at kahit gutom ay nakukuha pa din niyang tumawa tulad ni Joker sa The Dark Knight. Namatay ang kanyang mga magulang sa aksidente kaya siya ay pinalaki ng kanyang tiyahin. Binubugbog siya nito kaya siya naglayas.

Ang pinakabata sa kanilang tatlo ay si Carlo, 8-taong gulang. Siya ay binalak ipalaglag noong malapit nang ipanganak subalit nasagip ng mga madre at dinala sa bahay-ampunan. Tumakas si Carlo kasama ni Butuy.

Maaga pa lamang ay gumigising na si Butuy upang ipaalala sa dalawa niyang kaibigan na kailangan nila magtrabaho. Wala silang kailangan maghapon kundi ang makakain ng ayos.

Ito ang simula ng kanilang araw, paghahalikwat ng basura sa kaliwa at sa kanan. Walang laman ang tiyan nila kahit mainit na tubig o harina man lamang. Ang alam nila ay trabaho na, hindi na mahalaga ang almusal.

Halos si Allen at si Butuy lamang ang nagtatrabaho dahil sa murang isip ni Carlo ay puro laro lamang ang ginagawa niya, lahat ng laruang plastic lamang ang kanyang kinukuha.

“Umayos ka nga jan!” bulalas ni Allen sa naglilibang na bata.

“O nag-aaway na naman kayo,” sambit ni Butuy.

Hindi na bago ang pagsisigawan ng tatlo, dahil siguro sa gutom kaya nagkakagalit sila minsan.

Malapit ng magtanghali subalit wala pa silang kinakain kahit kaunti, bitin ang napagbentahan nilang basura. Habang abala sa pagbibilang ng kita si Allen at Butuy ay lumakad palayo si Carlo na tila may sinusundan.

“Nasan na si Carlo?” tanong ni Butuy kay Allen.

“Malay ko,” walang pakialam na sagot ni Allen.

Mukhang wala silang mabibili sa pera nila at walang ano-anuý dumating si Carlo na may tangan na pitaka. Hindi alam ng dalawa kung ano ang sasabihin kay paslit.

“San mo nakuha yan?” tanong ni Butuy.

“Doon sa puwitan ng mama,” sagot ng batang si Carlo.

Mabilis ang kamay ni Carlo, at dahil doon ay nagkaroon sila ng masarap na pananghalian noong araw na iyon.

Walang maggagabay sa magkakaibigan kung ano ang tamang gawin kaya’t ginamit nila si Carlo upang kumita ng pera. Tinigilan na nila ang pagbubungkal ng basura at tanging sa mga kamay na lamang ni Carlo umaasa.

Lumipas ang limang taon at patuloy pa din sila sa kanilang trabaho pati si Butuy at Allen ay naturuan na din sila ni Carlo kung paano yumari sa mga pitaka at pera. Hindi na sila sa estero nakatira, nakalipat na sila sa pinapaupahang barong-barong sa isang squatter’s area sa Makati.

Habang sila ay namamahinga sa kanilang bahay ay agad na pinulong ni Butuy ang dalawa niyang kaibigan.

“May plano ako,” bulong niya sa dalawa, “manghoholdap tayo ng banko, diyan lang sa may intersection.”

“Anong gagamitin natin kutsilyo?” patawang tanong ni Carlo.

“Tanga, may kakilala akong mahihiraman ng mga pekeng baril at mga maskara. Sama ba kayo?”

Sama-sama sila kahit saan kaya umayag si Carlo at Allen.

Kinabukasan ay maagang pinagplanuhan ng tatlo ang gagawin at tumulak na sila sa banko pagkapananghali.

“Holdap to walang kikilos!” sigaw ni Butuy sa mga tao.

Pinuno ng sigaw ang banko at pinadapa sila ni Carlo at Allen.

Habang naglalagay ng pera sa bag si Butuy ay may narinig siyang sirena ng pulis na palapit na palapit.

“Tangina! Pulis!” bulalas niya sa dalawa.

“Paano yan?” tanong ni Carlo sa tarantang si Butuy.

Maya-maya pa ay narinig nila ang boses ng isang pulis na nagpapasuko sa kanila. Nangangatal na sa takot ang tatlo, wala pang isang oras ay may bumulaga sa kanilang mga pulis mula sa pinto sa likod.

Agad silang napasuko at dinakip.

Mabaho na naman ang umaga ng magkakaibigang Carlo, Butuy at Allen.

Limang buwan na silang nakapiit sa loob ng isang city jail sa Pasig, ito ay matapos silang matiklo ng mga pulis sa ginawa nilang panghoholdap sa banko.

Ang tatlong magkakaibigan ay mga ulila na pare-parehong tumakas sa mapait na buhay. Ngayon ay magkakasama silang napapalibutan ng mga malamig at makapal na rehas na bakal.

Eleksyon 2010

Eleksyon 2010. &$*^#(&#!!!! Yan lang ang masasabi ko. Oo, dapat tayong bumoto, para mapalitan ang mga nakaupo. Pero ang hindi ko maintindihan e bakit may mga ayaw umalis sa pinagkakalugmukan kahit na kung saan saan na silang anomalyang nasangkutan. Ano bang baluti meron sila at animo’y si Pepeng Agimat na hindi tinatablan ng bala (pangit ba pakinggan?). Isa pa ay ang nag-aaway away na magkakatrabaho, nung matagal pa ang eleksyon, magkakasundo—kung paano mga kikita at kung paano sisikat. Ngayon napapalapit na ang eleksyon, kanya kanyang birada sa isa’t isa para mapapangit ang imahe ng kalaban sa publiko.

Isa pa ang tinatawag nilang Advocacy Ads na para bang mga sikat na artista na nagpo-promote ng pampaputi at pampahid sa kili-kili. May papadyak, may tutulong sa OFW, at kung anu-ano pa. Bakit ba kung kalian nalalapit yung 2010 Elections e tsaka to naglabasan? Bakit ang talunang si Ralph Recto e hindi naglabas ng advocacy ads nung natalo siya? Sana ganun na lang, para talagang walang ibang iisipin ang mga tao.

Isa pa, road infrastructures. Oo, bilib ako kasi naayos na yung mga daanan at yung imburnal na tila ba inidorong hindi nasipsip ng Malabanan Siphoning Agency (sosyal di ba, sa bernakular, sipsip tae lang yan). Ok na yung iba parte lalo na sa mga kalsadang nakikita ko. Buti at inayos nila kahit na hindi mo maiiwasan lagyan ng kulay ang mga ito kasi nga nalalapit na yung eleksyon. At least naman ginamit yung pondo, hindi lang lahat sa pagtakbo nila.

Isa pa, ang mga tarps sa poste ng Miralko (nago ko ishpeling wala silang bayad sa akin) na nung tatlong taon pa yata ang nakaraan na ginamit na picture e pino-photoshop na lang. Kung libreng tuli, lalagyan ng cap ng nurse, kung fire prevention month, sombrero ng bumbero kung graduation, cap ng graduation shempre, di ba Trisha, ooppss.. Meron ngang nagpost sa isang public school na naka-toga yung konsehal at may tinatanggap na diploma, akala ko e siya yung nagtapos, langya, bumati lang pala. Tapos!! Palya ang iyong ads kaibigan! Kung pulbos ka na sabing panlagay sa mukha, sa paa kita ialalagay.

Marami pa jan sa paligid na makikita mo na nagbabadya na silka’y inyong huwag kalimutan sa darating na halalan. Sila’y mga bagyong may badya at warning, buti pa nga daw at meron kaysa sa natural na bagyo, minsan biglaan minsan hindi dadaan, si ba PAGASA?

Isa lang masasabi ko, bumoto kayo kung sinong nais nyo at kung sino sa tingin nyo ang may maitutulong ng mabuti bayan. Napakarami kong sinabi yan lang ang gusto ko ipahatid.

Walang buhay.

Si Aa ay walang buhay.
SI Aa ay patay.
SI Aa ay isang Kabisote.

Babalik pa kaya?
Sana bumalik na.

KALAYAAN 2009

Ito ay araw ng bawat isang Pilipinong malaya. Malayang nakakalasap ng demokrasya at malayang nabubuhay at nakagagalaw sa sariling bansa.

Ito ay ang araw na iwinagayway ang bandila ng Pilipinas (buhat sa HONGKONG) sa bahay ni Aguinaldo sa Kawit Cavite na nasaksihan ng daan-daang malayang Pilipino.

Ito ay arang araw na pinadinig sa tao ang tamis ng kantang nilikha ni Julian Felipe.

Ito ay ang araw na inakala ng mga Pilipinong malaya nga sila subalit ipinagbili pala sa isang kasunduan sa Paris.

Ito rin mismo ang araw na gumagapang ang ating Presidente para ipasa ang CON-ASS na magsisimula ng CHA-CHA.

Araw ng Kalayaan ngayon. Malaya ka nga di ba?
Yan ang kalayaan. Kalayaang pinaglaban ng mga ninuno mong bayani.
Ano na lang mangyayari sa kalayaan mo kapag naging parliamentaryo? Kapag nasimulan ang sayaw?
Ayoko nang mawalan pa ng Kalayaan.

Independence Day: Araw ng Kalayaan.

Umagang kay Ganda (HINDI YUNG SHOW HA!!)

MAGANDANG UMAGA!

Pagkagsing ko nitong umaga, naramdaman ko ang pagkagiyang. Ginigiyang ako hindi dahil sa shabu. Kundi ginigiyang ang aking utak ng pagsusulat.

Tanghali na ko nagising dahil nakasnayan ko nang matulog ng madaling araw. Pagkagising na pagkagising ko, gusto ko nang pumunta sa harap ng aking pinakamamahal na kaibigan ang computer.

Gust ko magsulat, minsan lang ako tamaan ng kasipagan ng ganitong kaaga. Pagkagising ko ay agad na nagtimpla ng kape. Hindi natatapos na natatapos ang aking umaga na hindi nakakapagkape. NAKAKAADIK.

Sinisipag ako magsulat, pero wala sa aking utak ang isusulat. Ano bang isusulat? Maikling kwentong mga nagawa ko? Kagaguhan? kabastusan?

Sa totoo lang. Hindi ko alam.

Madalas akong nagpapatigil sa pagsusulat dahil sa pag-iisip. Pag-iisip kung ano ang gagawin, pag-iisip kung anong isusulat at pag-iisip ng mga sports feature topics, sports news at kung ano ano pang mga bagay na tila inilalabas ni doraemon mula sa kayang bulsa.

Nitong mga nagdaang araw 2 ang nasimulan kong gawing maikling kuwento at dahil sa aking ugaling pagpoprokrastineyt parehong naiwang pilay ang aking kwento. Pilay tulad ng mga mahihirap na taong nakapaligid sa ating bansa, naghihintay lapatan ng tinta ng mga opisyal upang mabuo ang kanilang kwento.

Iniisip ko ding simulan ang pinaplano kong nobela, nasimulan ko na. Ang dami ko na nagawa, 2 talata. Dahil naisip kong parang buhay ang paggawa nito. Kailangang buhay sa isip mo ang mga tauhan at pangyayari. Hindi tulad ni Dora the Explorer at sa kanyang prinsipyong napakadali ng buhay. Isipin mo bang kung may holdaper sa jeep mong sinasakyan at kukuhanin na ang mahahalaga mong gamit kasama na ang iyong china phone na N102 at pekeng Rolex at sinabi mong, HOLDAPER NO SWIPING! HOLDAPER NO SWIPING! Sasabihin ba niya saýong, AWWW MEEEN! at aalis na siya?

Sa mga ganoong sitwasyonn mas maniniwala pa ako s kapangyarihan ng tao kapag siya ay may nararamdamang sakit. Katulad na lamang kapag masakit ang ulo mo, kaya mong mapalindol ang mundo mo, mapapuga mo ang electric fan at kama.

Magandang umaga ulit mga kapatid. Yan ang paalmusal ng ginisa! Apir! Paumanhin na sa mga maikling kwento ko. Pilay pa eh. haha.